Isang taon ang lumipas. Parang halos lahat ay nakalimot na sa lahat nang nangyari. Hindi pa rin naging maayos ang relationship ko lalo na sa aking ama. Hindi ko na rin pinilit pa, ayos lang kami ni Mommy. Nakakapag-usap na kami na hindi na inuungkat pa ang nakaraan. Si Audrey, okay na s'ya. Umalis nga lang s'ya ng bansa para magsimulang muli. Nakapag-usap na kami nito, nag-sorry na ito sa akin. Napatawad ko s'ya pero sinabi ko rin naman sa kanya na kahit nakuha kong magpatawad ay mananatili ang mga alaala sa isipan ko. Kaya mas pinili n'yang lumayo upang bigyan daw ako ng kapayapaan. Maayos na ang buhay ni Emily at Mommy Gemma. Malayo man sa masaganang buhay na mayroon sila noon ay mas masaya naman sila ngayon. "Go on!" panghihikayat ni Elordi sa akin. Ilang minuto na akong nakahin