JAIDEN "Pucha naman oh!" mura ko nang maalimpungatan ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng doorbell ng unit ko. Naiinis na bumangon ako sa kama at tinungo yung pinto. Kung sino man ang taong ito, wala siyang karapatang istorbohin ang gorgeous sleep ko. Tsk. "Good morning, Sir!" masiglang pagbati ng nabungaran kong babae nang buksan ko yung pinto. Saglit din akong napatitig sa maganda niyang mukha bago ngumiti sa kanya. "Good morning, Miss," ganting bati ko bago muling isinarado ang pinto. Agad na naglaho ang ngiti ko at nagsalubong ang kilay ko. Then, naglakad ako pabalik ng silid at kinuha yung cp ko. At bago pa man ako makapagdial, tumunog na iyon. "Good timing, Manager Deeleen. I was about to call you," bungad ko sa taong tumawag pa