AIVEE "Ang ganda mo, Aivee. Sana nag-flight attendant ka katulad namin." "Oo nga. Nagulat nga kami nang malaman naming piloto ka pala." "Sayang naman at sa flight deck ka lang. Pero, swerte mo na rin kasi si Captain Leonne naman ang makakasama mo roon." Napangiti na lang ako sa mga sinasabi ng mga kasama ko. Swerte nga ba? Sana nga. At sana rin makausap ko siya ng maayos, bulong ko sa sarili ko. Two hours before our scheduled flight - protocol of the airlines, nandito na kami sa airport. And this would be my first flight with him. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Lahat sila ay nanlalaki ang mga matang sumunod ng tingin sa lalaking pumasok. "What? Hindi pa rin ba kayo nasasanay sa kagwapuhan ko? Gusto kong isipin na lalo akong gumugwapo kap