LEONNE "Mahal mo pa ba?" "Hindi na!" agad kong sagot sa tanong na iyon ni Nic. "Yun naman pala eh! Pero, bakit kung makareact ka diyan parang affected na affected ka pa rin?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko si gagong Cyprus at ngumisi ng sarkastiko. "Ako? Affected much? Saang banda sa reaction ko ang nagpapatunay na apektadong-apektado pa rin ako?" "Kent, ipakita mo nga sa gagong yan nang makita niya ang sinasabi natin," utos ni Jaiden na sinunod naman nung isa. "Of all the pilots out there, why it should be a girl?! And of all the female pilots that I will train, why it should be her?!" pahayag ni Kent sa malakas na tinig at parang ginagaya pa ang gwapo kong boses. Tapos tumingin siya sakin. "Ganyan na ganyan ang reaction mo kanina nang malaman mong yung ex-girl