CRISTINE Isang buwan na rin ang nakakalipas nang makilala ko ang isang Daniel Rave Montalvo. Aside from his gorgeous face and conceitedness in his own simple way, I can say that he was more than that. He's really something. He is a man of few words. Napatunayan ko na iyon sa ilang beses na pagkikita namin dito sa bookstore tuwing Sabado ng hapon. Buong buhay ko na nga yata ang naikwento ko sa kanya, habang dakilang taga-pakinig ko lang siya. Even how Clint and I met before, I also told him about it. Lahat ng masasayang pinagsamahan namin, at lahat din ng hinanakit ko sa taong yun, sinabi ko rin sa kanya. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng kirot at sakit sa puso ko kapag naaalala ko ang mga iyon, pero mas nangingibabaw ang galit ko. Clint was my first love, after all. "Tell me ev