CYPRUS Parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang humakbang siya palayo at tuluyang lumabas ng pinto. It means, ayaw na talaga niyang maging bahagi ako ng buhay niya. "I just want you...out of my life." Bull s**t! Ang sakit lang sa ego na marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Pero, mas masakit sa puso. I smiled bitterly. Ganito din ba ang naramdaman nina Captain at Nic nang iwan sila noon ng mga babaeng mahal na mahal nila? mapait ding tanong ko sa sarili ko. Hindi na nga ako nagtanong sa kanya noong araw na sinimulan niya 'kong iwasan eh. Akala ko napa-paranoid lang ako at walang malalim na dahilan ang pag-iwas niya sa 'kin. Inisip ko na lang na may mood swings siya gaya ng ibang babae kapag may dalaw sila. Pero, takte lang. Tatlong araw na a