GRACE "Ang guwapo-guwapo mo ngayon, ah?" Nakangiti at excited akong lumingon sa likod at hinanap ang sinasabing gwapo. Pero, agad ring bumagsak ang pag-asa ko nang isa lang pala sa mga staffs ng hospital ang gwapong tinutukoy ng nurse na nakasalubong ko. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Akala ko bumalik na siya, malungkot kong bulong sa sarili ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang huli kong makita at makausap si Aaron. Or should I say, nakasagutan. And I admit, walang araw na hindi ko siya hinintay para makita ulit. Oo, masama pa rin ang loob ko. But at the same time, nahihiya rin ako sa kanya. Hindi naman niya kasi kailangan akuin ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sana hinayaan na lang niyang har