GRACE "Kuya Aaron, gagaling ba ako kapag ininom ko yang gamot?" "Hindi agad-agad, pero makakatulong ito para mas mapabilis ang paggaling mo. At kapag nangyari yun, makakapaglaro na ulit tayo kasama si Ate Grasya." Lihim akong napasimangot sa muli na naman niyang itinawag sakin. Simula nang magkasama kami dito sa medical mission one week ago, Grasya na ang tawag niya sakin. And when I asked him why, ganito lang ang isinagot niya sakin. "Tagalog word ng Grace. Nasa bansang Pilipinas tayo kaya nararapat lang na tangkilikin natin ang ating sariling wika. So in other words, endearment ko sayo." "Ano?" "Wala. Sabi ko ang ganda mo, pero palagi ka namang nakakadisgrasya. Hahaha!" "Diba po sabi mo kapag gumaling na ko, tuturuan mo na ko kung paano maging gwapo?" Tum