AIMEE Nandito kami ni Sir Jaiden at ng manager niya sa building ng L Magazine. Kasalukuyan nilang kausap yung taong in-charge sa photoshoot. Tinawagan ako ni Sir kahapon para sabihing pupunta nga kami dito ngayon para pag-usapan yung gagawing pictorial. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na seryoso talaga siya sa sinabi niyang ako ang gusto niyang makasamang female model para sa magazine. Kung kayo ang nasa position ko, magtataka rin kayo, diba? Sa dinami-rami ng magagandang models na nakapaligid sa kanya at isa na nga roon si Ms. Angel, na supposedly ay partner niya sa pictorial na 'to - ay bakit ako pa, diba? I'm not even a model! PA niya lang ako! Anong alam ko sa pagmomodel na yan? Pssshhh! "Aimee?" Napalingon ako sa tumawag sakin. "Ms. Angel?" Ngum