AARON "Sa tanang-kagwapuhan ko, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagnanasa sayo. Matinding pagnanasang patayin ka." - Nic "Kung ikaw rin lang namang gago ka ang papaslangin ko, hinding-hindi ko pagsisisihan ang maging gwapong kriminal." - Cyprus "Hindi lang double dead. Iti-triple dead pa kita." - Kent "Imbes na napapamahal ako, mas lalo akong napapamura sayong gago ka." - Jaiden "Hindi na nga kami umaasang gagaling ka sa kabaliwan mo, huwag mo na rin sanang tanggalin pa ang katiting naming paniniwala na may mental hospital pang tatanggap sayo." - Leonne Sa buhay talaga ng isang gwapo, hindi mawawala ang mga insecure na gago, ano? Talaga naman oh. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila makareact sa sinabi ko. Nagkukwento lang naman ako kung anong nangyari