“WALA pa akong maisip na ibang option. Siguro kailangan lang matuto si Raven kung paano kontrolin ang sarili niya pagdating sa pagkain. Mag-isip kayo ng pagkain na kahit konti lang ang amount pero mabigat sa tiyan. Mas mainam kung paiinumin din siya ng dugo para hindi siya mabilis magutom,” sabi ni Alessandro nang hingan ito ng tulong ni Zack. Nasa loob sila ng laboratory one nina Zack at Alessandro. Nakaupo sa tapat ng monitor si Sandro at nage-encode. Siya naman ay nakatayo lang sa gawing kaliwa nito at pinapanood ang ginagawa nito. “Ayaw nga ni Janet na sanaying uminom ng dugo si Raven. Gusto niya ay makasanayan ni Raven ang normal na buhay katuld ng tao,” ani ni Zack. “We don’t have a choice. Raven needs blood to keep him healthy. Cook food was enough,” sabi naman ni Alessandro. “N