"A-anong condition?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Kinabahan ako sa klase ng mga tingin niya. Unti-unting gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi. "Akala mo ba palalampasin ko itong ginawa mo? Nagbago na ang isip ko, hindi ko na itutuloy ang kondisyon na sinasabi ko." "A-anong ibig mo sabihin? I-itutuloy mo ang——" kumabog ng husto ang aking dibdib. Hindi ko natapos ang pagsasalita ng hawakan niya ang kamay ko at ngayon bigla na lamang niya akong kinakaladkad palabas ng mansion. "Hendrick, nasasaktan ako!" pagpupumiglas ko. Mahigpit niyang hinahawakan ngayon ang braso ko habang kinakaladkad pa rin ako palabas. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakalabas ng mansion. Patuloy pa rin ang pagkaladkad niya sakin hanggang makarating kami sa garahe. "Hendrick, ano bang ginagawa mo?" nangil