"Papa, ayaw ko po magpakasal kay Don Miguel." pagmamakaawa ko sa Papa ko habang magkakaharap kami sa hapag kainan. Binalingan ko kaagad ang step-mother ko at ang sama ng kaniyang mga tingin sa akin.
"At sino ang gusto mo pakasalan, huh, Jhonalyn? Iyon bang nobyo mo na hindi ka kayang buhayin?"
"Hindi ko ho kailangan magpabuhay sa kaniya. Kaya kong magtrabaho kaya mabubuhay kaming dalawa. Hindi ko kailangan umasa sa kaniya."
"Shut up! Jhonalyn! Nakapagpasya na kami ng Papa mo. Pakakasalan mo si Don Miguel sa ayaw at sa gusto mo."
Bumagsak ang mga balikat ko. Hinihintay kong magsalita si Papa ngunit wala akong narinig mula sa kaniya.
"Papa..." muli ay sambit ko. Baka sakaling tumutol siya at hindi na siya papayag na maikasal ako kay Don Miguel.
"Kumain ka na lamang, Jhonalyn. Hindi na natin puwedeng iatras pa ang kasal. Nakahanda na ang lahat. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Don Miguel. Kapag inatras natin ang kasal baka kung saan tayo pupulutin. Mapapaalis tayo rito sa bahay natin. Alam mo kung kaninong lupa itong kinatitirikan ng bahay natin."
Wala na talaga akong magagawa pa.
"Kaya dapat hiwalayan mo na 'yang nobyo mo, Jhonalyn baka makasira pa 'yan sa atin."
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam kung paano ko hihiwalayan si Hendrick. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Pero bahala na, ayaw ko rin naman suwayin ang pamilya ko. Kapag nangyari 'yon ako pa ang magiging dahilan kung bakit mapapaalis kami dito.
Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay dumiretso ako sa labas ng bahay. Umupo na lang muna ako para mag-isip. Wala na sila Papa dahil bumalik na ulit sa resort kung saan pag-mamay-ari ni Don Miguel ang kanilang amo.
Matagal kong pinag-isipan ito ngunit nakapagpasya na ako. Kailangan ko ng makipaghiwalay kay Hendrick. Bago pa man niya malaman na ikakasal na ako hiwalay na kaming dalawa.
Nandito na ako ngayon sa kubo na tinitirahan niya. Napansin kong may kausap siyang lalaki. Pormal ang suot at mukhang mayaman.
Sino kaya iyon?
Ngayon ko lang nakita ang taong kausap ngayon ni Hendrick. Ano kaya ang kailangan nito sa nobyo ko?
Hinintay ko na lang na umalis ito. Sa wakas! Hindi rin ito nagtagal at umalis din.
Mukhang aalis na si Hendrick. Inaayos niya na ngayon ang bangka na ginagamit niya sa pangingisda. Nandoon na rin ang mga kasamahan niya.
"H-Hendrick!" tawag ko kaagad dito. Baka kasi makaalis pa at hindi ko na siya maabutan. Nang makita ako ay napakalaki ng kaniyang mga ngiti. Hindi ko siya ginantihan ng ngiti.
"Jhonalyn!" kaagad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.
Nabitawan niya pa nga ang lambat na hawak niya. Kahit pa nabibilad sa init ang nobyo ko namumula lang ito at hindi mo aakalaing nangingisda ito. Parang galing sa maharlika dahil kulay asul ang kaniyang mga mata kaya napakagwapo niya.
Ang tangkad pa, hanggang balikat niya lamang ako. Nagmukha tuloy akong pandak tuwing katabi ko siya.
Wala akong reaksyon ng yakapin niya ako. Hindi ako gumanti ng yakap sa kaniya. Umarte ako na tila malamig na yelo.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
"Mabuti na lang at pumunta ka. Hindi pa kami nakakaalis." sabi pa niya. Itinulak ko siya at tinitigan ang kaniyang mukha. Ganoon din siya sa akin.
"Why?" tanong niya. Napansin niya na siguro na may kakaiba sa akin.
"N-nandito lang ako para sabihin sa iyo ito." napayuko na lamang ako. Hindi ko pa man nasasambit ay parang naiiyak na ako.
"Anong sasabihin mo? Good news ba 'yan?"
"Maghiwalay na tayo." hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Matuwid akong tumingin sa kaniya. Nakita ko ang pagtataka na gumuhit sa kaniyang mga mata. Hindi makapaniwala. Ako din naman ay hindi makapaniwalang nakaya kong sabihin ito sa kaniya.
"Jhonalyn, y-you must be kidding me." nakangiting sabi niya sa akin. Umiling-iling pa.
Sino ba naman kasi ang maniniwala? Nakaraang gabi lang ay may nangyari sa amin tapos ito ako ngayon nakikipaghiwalay sa kaniya.
"Hindi ako nagbibiro, Hendrick. Gusto ko ng tapusin ang relasyon natin." napayuko lang ulit ako. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata.
"Tell me, did I do something wrong? Bakit bigla kang nakikipaghiwalay sakin ngayon?"
"Dahil hindi na kita mahal."
Tumitig siya sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata at para bang babagsak ang kaniyang mga luha. Ayaw kong makita siyang nasasaktan. Mas masakit sa akin itong ginagawa ko.
"Kung hindi mo na ako mahal tumingin ka ngayon sa aking mga mata. Bakit hindi ka makatingin sakin ng tuwid?"
Huminga akong malalim tsaka muling tumingala sa kaniya. Katulad ng sinabi niya, tiningnan ko siya ng tuwid sa kaniyang mga mata. Mabuti na lamang nagawa ko ngunit ang hirap pala.
Leaving someone you love is painful
"Hindi na kita mahal. Kaya gusto ko ng tapusin ang relasyon na ito."
"Hindi ako naniniwala."
"Kung ayaw mong maniwala bahala ka na!"
"Baka tinutuyo ka lang mawawala din 'yan mamaya pagbalik ko. Sana pagbalik ko okay na tayo."
"Hindi ako tinutuyo lang, Hendrick! Bakit ba ayaw mo maniwala? Pagod na ako sa 'yo! Pagod na pagod na! Yang hitsura mo na parang madungis na bata! Yang trabaho mo na hindi man lang makabuhay sa atin kapag mag-asawa na tayo! Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko na sa 'yo!" sigaw ko sa kaniyang pagmumukha.
Sobrang sakit sabihin ang mga katagang iyon ngunit wala na akong magagawa pa. 'Yon lang ang tamang dahilan para maniwala siya sa akin. Para matapos na ang lahat ng ito.
Lahat naman ng mga sinabi ko hindi totoo. Hindi siya madungis na bata. Nasabi ko lang ito para matapos na. Para maniwala siya.
"Is that so?" sarkastika siya natawa. "Ayaw mo sakin dahil mukha akong madungis na bata? Ayaw mo sakin dahil hindi kita kayang buhayin?" nanginig ang kaniyang labi.
"Oo! Iyon ang totoo. In short hindi na kita mahal kaya maghiwalay na tayo!" Tinalikuran ko kaagad ito. Ayaw ko ng makita pang nasasaktan siya. Pagtalikod ko ay tumulo din kaagad ang luha ko.
Napapikit ako. Ang sakit. . .ang sakit umalis na ganito. Hendrick, patawarin mo sana ako. Hindi ko gusto 'to pero kailangan. Pasensya na kung hindi ikaw ang pipiliin ko. Pasensya na kung hindi kita kayang ipaglaban.
Ayaw kong marinig pa niya ang mga paghikbi ko kaya sinubukan ko ng ihakbang ang aking mga paa para makaalis na sa harapan niya.
"Jhonalyn!" tawag niya sa akin. Natigilan naman ako ngunit humihikbi na. Pinigilan kong lumakas ang mga hikbi ko. Hindi ako lumingon sa kaniya. Gusto ko lang marinig kung anong sasabihin niya.
"Hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinabi mo. Sana pagbalik ko, okay na ulit tayo. Please...huwag mo 'ko saktan ng ganito."
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata kaya naman sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. Gusto ko siyang lingunin para tumakbo sa kaniya at yakapin ngunit napigilan ko ang sarili ko.
Ito na ang last na magkikita pa kami. Dahil simula ngayon hindi na ako magpapakita pa sa kaniya.
Goodbye, mahal ko. I'm sorry.
Iyon ang huling kataga na nasambit ko sa isipan ko tsaka ko mabilis na nilisan ang lugar na kinaroroonan ni Hendrick. Tinawag pa nga niya ako ulit ngunit hindi na ako huminto pa.
Panay ang hikbi ko pagdating sa bahay.