"T-tulungan mo 'ko." halos hindi ko masambit ang katagang iyon dahil sa mga ginawa ko sa kaniya.
Unti-unting humarap sa akin ang lalaking mahal na mahal ko.
Iba na ngayon ang hitsura niya. Ang dating palaging nakangiti ay napalitan na ngayon ng lungkot at pagkunot ng noo, magkasalubong pa ang mga kilay.
"Tama ba ang narinig ko? Humihingi ka ng tulong sa lalaking ipinagpalit mo sa pera?" binigyan niya ako ng masamang tingin.
Nakakahiya man, ngunit wala na akong ibang malalapitan pa, kundi siya lang. Umaasa pa rin akong matutulungan niya.
"K-kailangan ko ng pera. Sampung milyon para piyansahan si Papa sa kulungan. Alam kong nakakahiya itong ginagawa ko...p-pero...w-wala na akong ibang matakbuhan kaya please...tulungan mo 'ko."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Parang ikinatuwa pa niya ang pagkakulong ni Papa.
"That's not my problem anymore, Jhonalyn. You left me with nothing, now I'll give you nothing."
Punong-puno ng pagkamuhi ang kaniyang salita.
Napaawang na lamang ang labi ko sa sinabi niya.
Siguro nasanay lang akong lahat ng hinihiling ko sa kaniya noon basta kaya niya ay ibinibigay niya.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha. Ibang-iba na siya ngayon.
May isa pa naman akong alas na puwede kong gamitin para lumambot ang puso niya para sakin.
"Hendrick, b-buntis ako."
Hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.
"So, ano ngayon? Ipapaako mo sa akin 'yan?"
"Ikaw ang ama ng batang dinadala ko."
"I'm not stupid enough to take responsibility for that child, Jhonalyn. Lumabas ka na. Ayaw kong sayangin ang oras sa iyo."
Tumalikod na siya sa akin. "If you are really pregnant, I'm sure I'm not the father of that child." he said, facing away.
Nanlumo ako sa narinig mula mismo sa kaniyang bibig.
Nangako ako sa sarili kong itatago na lamang sa kaniya ang magiging anak namin. Hinding-hindi ko ito ipapakita o ipapakilala pa sa kaniya kahit kailan.