Puno ng pangamba ang kalooban ni Devon nang umuwi ito ng bahay dahil sa mga narinig niyang pagbabanta mula kay Jansen. Napagalitan pa siya ng kanilang direktor dahil nahalata siya nito na hindi nakatuon ang kanyang atensyon sa mga linya niyang binibitawan at nakakalimutan pa niya paminsan-minsan. "Oh bakit ganyan na naman ang mukha mo? Kabisadong-kabisado na kita. Ano, nag-away na naman kayo ni Rosario?" bungad ni Aling Salome nang mapuna nito ang nanlulumong mukha ng anak. Naupo muna ng sofa si Devon bago ito tumugon. "Hindi 'nay. Napagalitan ako ng direktor namin. Nakakalimutan ko kasi 'yung mga lines ko eh." aniya. "Oh bakit? Hindi ka yata nagkakabisa eh. Aba'y hinahayaan na kitang mapuyat kakabisa mo eh hindi mo pa din nasasaulo? Maalala ko nga pala, nadala mo na ba sa eskwelahan 'y