Mag-aalas onse na nang dumating si Samantha sa villa kung saan siya kasalukuyang nakatira. Inilapag lang niya sa ibabaw ng sofa ang bag at agad na siyang dumirestso sa kitchen upang magluto ng kanyang kakainin dahil kanina pa siya nanginginig sa gutom. Una muna niyang binuksan ang ref para kumuha ng tubig. Ngunit nagulat siya nang makita na may mga pagkain na nakalagay doon at halos mga healthy food iyon. Napaisip siya bigla, sino naman kaya ang naglagay niyon? Hindi naman niya napansin iyon pagkaalis niya kanina. Gayunpaman, hindi na niya masyado pinagtuunan ng pansin. Gutom na siya at gusto na niyang kumain. Isa-isa niyang tiningnan ang mga laman ng glass tupperwear. Halos lahat masasarap at gusto niya ngunit Bake Salmon with Mozzarella cheese ang kanyang piniling kainin, pinarisan niy