Nang makaramdam na ng lamig si Samantha, pumasok na rin kaagad siya sa loob. Pagkaupo niya sa sofa ay binuksan niya ang bagong cell phone na binili sa kanya ni Gabriel at tinawagan si Nanette. Tatlong ring bago ito nakasagot. "Hello, ate Nanette? Si Sam po ito," aniya. "Ma'am, ikaw pala iyan? Kakausapin ho ba ninyo si sir Marco?" tanong nito. "Yes, please?" Maya-maya pa ay boses na ng kapatid niya ang kanyang narinig. "S-Sam?" "Marco, kumusta? Pasensiya ka na at si ate Nanette muna ang makakasama diyan mo, ha? Nasa trabaho pa kasi ako at apat na araw ako hindi makakauwi." "H-Hindi na b-babalik, Sam? I-Iwan mo na a-ako?" "Marco, hindi kita iiwan. Hindi lang ako makakauwi dahil may trabaho ako. Babalik ako pangako iyan. Hintayin mo ako, ha? Parati mong sundin si ate Nanette." "P-Prom