Dahil sa may natira pang pera si Samantha. Umupa siya ng isang maliit na apartment para doon ilagay lahat ng mga gamit na galing kay Anthony kasama na rin ang mga gamit nito na naiwan sa kanya. Maayos na inilagay niya lahat sa box at dinala iyon sa apartment na inupahan niya. Wala na si Anthony kaya kailangan na rin niyang ibaon sa limot lahat ng ala-ala ng nobyo para sa panibagong buhay na kakaharapin niya. Patay na si Anthony at kasama na ring namatay ang puso niya. Sa ngayon ay wala na sa kanya kung kanino siya maikasal. Ang mahalaga ay patuloy na maipagagamot ang kapatid na may sakit. If she sacrifices her marriage, she gets her brother's medical fees. And it was worth it. Matapos maayos ang lahat niyang dapat ayusin, ang mga magulang naman ang hinarap niya. Sinabi niya sa mga ito na