NAPATINGIN si Emma sa sarili niyang relo. Alas-nuwebe na pero wala pa rin si Drew sa restaurant. Ano ba? Susunduin ba talaga siya ng mokong na iyon o hindi? Naku! Sana dinala na lang niya ang sarili niyang kotse. Nagpapapaniwala pa siya sa tuod na iyon. Baka nambabae na naman ang ungas. Naramdaman na naman niya ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi pa siya kumakain ng dinner dahil plano nilang mag-dinner ni Drew ngayong gabi. Ngayon kasi ang uwi nito galing Palawan. Papasok na sana siya sa loob nang makarinig siya ng kotseng paparating. Sumilay ang kunot sa noo niya. Duh! Ano’ng aasahan ng mokong? Yayakapin niya ito sa pagdating nito? She saw him get out of the car. Raratratan na sana niya ito kaya lang nastatuwa siya sa hitsura ni Drew. Napakalalim ng kunot ng noo nito at mukha iton