"PINAPANOOD mo na naman iyan?" rinig kong reklamo agad ni Alex pag pasok pa lang niya sa kuwarto. "Ilang beses mo ba iyan balak panoorin bago ka magsawa diyan?" Tumayo siya sa harap ko at kinintalan ng halik ang noo ko bago siya umupo sa tabi ko. "Hmm... amoy gatas ka," sabi ko sabay ingos. "Tss... try spending the whole day with those rascals and let's see how you smell." I chuckled and hugged him back. Alam kong napagod siya sa pagbabantay sa mga bata ng buong araw. "Mabango naman ang gatas eh," I said. Inamoy-amoy ko pa siya sa may dibdib. "Patayin mo na iyan. Tulog na tayo," lambing niya at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Ito talaga, ‘di na nagsawa sa kakahalik. "Tatapusin ko muna to." I settled comfortably between his arms while watching the 3rd birthday party of the
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books