Epilogue 3rd Person's POV Pagtapak ni Hagen sa puting carpet parang huminto ang mundo ni Hagen at tanging si Aominee na lang ang nakikita niya. Katulad ng pinangako ni Aominee binigyan niya ng kakaiba at hindi makakalimutang kasal si Hagen. Literal silang nasa itaas ng ulap at nakatapak si Hagen sa ulap. Iyon ang ikalawang beses na ikakasal sila dahil ang unang beses na kasal nila ay sa simbahan at ang pangalawa ay nasa langit. Hindi maiwasan ni Hagen mamangha dahil nawat hakbang niya may mga gintong paru-paro ang lumilapad at sinusundan ang mga yabag niya. Tiningnan ni Hagen ang paligid at nakita niyang nandoon din ang mga anak at buong pamilya nila. "Oh my god! Bakit ganoon nakita ko na ikasal kahapon si Hagen pero naiiyak pa din ako hanggang ngayon," ani ni Quincy na nangi