Chapter 17 3rd Person's POV; Kinaumagahan maagang nagising si Janus. Pagkagising niya may unan na siya at kumot. Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata matapos pumasok sa isip niya ang idea na nagising ang omega at inayos siya ng higa. Maganda ang naging gising ng alpha kaya kahit madaling araw pa lang namili na ito para sa umagahan nilang dalawa ng omega. "Bakit ba hindi ko naisipan magdala ng jacket? " bulong ng binata habang naglalakad papunta sa University Market. Tanging tshirt at pajama lang ang suot ng lalaki kaya mas naramdaman niya ang lamig lalo na at masyado pang maaga. May ilang estudyante na din ang nanduon kaya mas natagalan pa si Janus dahil sa pag ieentertain ng mga ito sa kanya. Dala ang isang push cart patuloy lang sa pag iikot ang binata hanggang sa makarating siya s