Chapter 27 3rd Person's POV Dahil sa walang klase at busy lahat sa preparation. Konti lang ang tao sa arcade at nagyaya si Aedion magpustahan. "Magbabayad ng 50 pesos ang matatalo ah," ani ni Aedion habang iniikot-ikot ang braso. "Paano ba ito laruin?" tanong ni Hagen. Napangisi si Aedion sa idea na hindi marunong ang makakalaban niya. Tinuruan ni Aedion maglaro ng aspalt 9: Legend ang lalaki isa iyong laro kung saan magra-race sila at paunahan makarating sa finish line. Matapos turuan si Hagen umupo si Aedion sa bakanteng arcade machine. Ini-start ang laro at binigay kay Hagen ang school card nila. Ginagamit nila iyon para magbayad, access or pumasok sa facilities sa university nila. "Need mo ito para makapag-start," ani ni Aedion na kinatingin ni Hagen. Mukha kasing hinahan