30

2231 Words

Chapter 30 3rd Person's POV; "Saan pumupunta si Shiro 'pag gabi? " tanong ni Glen kay Regan na nakaupo sa lamesa niya. Kinaumagahan kasi dahil walang first subject nanatili lang si Glen sa classroom at biglang dumating ang alpha. Tumambay ito sandali sa classroom then sinabi ang kakaibang kilos ng omega. "Bakit hindi mo tanungin si Shiro? " "Tinanong ko siya pero sabi niya hindi naman daw siya umaalis ng dorm. " "Pero nakita mo na umaalis siya diba? " "Nakita namin siya ni Leo sa entrance ng garden. Hindi ko lang maalala kung kailan." bored na sabat ni Patrick habang nakahalumbaba sa lamesa na kinalingon nina Glen. "Entrance ng garden? Anong ginagawa niya du'n? " "Kasama niya si Irie. " sagot ni Patrick na kinatingin ni Leo na katabi lang ng binata. "Si Irie lang ang kasama? "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD