Chapter 20 Glen Shann's POV; "Glen tara laro tayo." hahawakan ko ang kamay ng isa sa mga batang gusto makipag laro sa akin nang hawakan hilahin ako ni Leo at harangan "Hindi kailangan ni Glen ng kalaro umalis na kayo! " singhal ni Leo na kinabagsak ng balikat ko. "Glen. " tawag ni Leo na kinaangat ng tingin ko. "Ako lang ang kailangan mo. Hindi mo kailangan ng madaming kaibigan. " bulong ni Leo matapos ilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Glen. " nahila ko ang hininga ko matapos ako magising mula sa masamang panaginip. 'Pag bukas ng mata ko at pag angat ng tingin nakita ko sina Irie na nakapalibot sa akin. "Akala namin patay kana. Kaloka ka. " ani ni Ayen bago tumayo at tiningnan ko. "Akala ko ba trabaho mo na bantayan kami? Bakit ka natutulog dito? " "Sirius, wag ka nga masungit