Chapter 01 Hagen Revere's POV Malakas kong sinipa ang bola sa field at nang pumasok iyon sa goal. Tumakbo ang mga ka-team ko sa akin at agad nakipag-bomb fist. "Walang kupas, Revere!" Todo cheer naman ang ilang kaklase namin matapos kami manalo sa kabilang section. Ordinaryong P.E lang naman ito pero para sa mga alpha mahalaga sa kanila ang manalo. Hindi ako sa kabilang sa mga nilalang na nage-exist sa mundong ito pero kailangan ko makisabay at maka-survive. Nagpapasalamat na lang ako dahil may pheromones din ako ng isang alpha kahit hindi iyon gaanong malakas. Sa paraan na ito mabubuhay ako katulad ng kung paano mabuhay ang mga kapatid ko. Kasalukuyan akong kaakbay ng mga kaklase ko ng kusa silang napahiwalay at lumayo ng ilang metro matapos mapadaan ang mga kapatid ko. "Kuya