Chapter 45 3rd Person's POV Sandaling iniwan ni Janus ang mag-aama niya sa kwarto. Nakita niya si Eros na may buhat na isang itim na aso na kasalukuyang natutulog sa mga bisig niya. "Nasaan ang iba?" tanong ni Janus matapos makita na si Eros na lang ang nasa ibaba at wala na ang ilang miyembro ng Jeya. "Baka umuwi sa kanila," sagot ni Eros habang buhat ang anak at nakaupo sa sofa. "Ano ng balak mo Janus? May idea na ba kayo ni Irie kung paano maibablik ang katawan ni Irie?" tanong ni Eros matapos umupo ni Janus sa sofa na kaharap lang ng inuupuan ni Eros. "Hindi pa namin nakakausap si Hagen about dito," ani ni Janus bago napapagod na sumandal sa sandalan ng sofa. "May problema ba, Janus? Mukhang hindi ka masaya. Iniisip mo pa din ba iyong katawan ni Irie?" tanong ni Eros na k