Epilogue Nakawala ang kaluluwa ni Ivory sa espada ni Tyrell. Para hindi na makabalik pa sa dati niyang katawan si Ivory— walang pagaalinlangan na ginawang abo ni Hagen ang katawan ni Ivory. "Tapos na ang lahat," bulong ni Janus matapos halikan sa noo ang omega niya na nakatitig sa katawan ni Ivory na unti-unti ng naging abo. Sa kabilang bahagi naman ng kagubatan nanggagalaiti si Ivory na tanging kamalayan na lang at kaluluwa ang nanatili sa mundo matapos sunugin ni Hagen ang katawan niya. "Magbabayad kayo— magbabayad kayong lahat!" Kasabay ng pagsikat muli ng araw— natatawang inangat ni Hagen ang mga kamay at tinitigan ang maliwanag na araw. Sa likod nito ang tatlong alpha— lumingon si Hagen matapos maramdaman ang mga kapatid. "Tara na— hinihintay na tayo nina Tito Shiro," yaya