Chapter 43 3rd Person's POV "Hanggang ngayon ba hindi pa din nagana ang amulet?" tanong ni Janus na kinatingin ni Irie. Pagpasok ni Janus sa kwarto nakita niya si Irie na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang amulet. "Wala na akong nararamdaman na kahit ano sa amulet," sagot ni Irie. Lumapit si Janus— inabot ni Irie ang amulet at agad kinuha iyon ng binata. "Marami na kaming nabasa ni Leo about sa amulet na ito pero hindi doon nasabi kung anong klaseng amulet ito. Paano tayo nakapasok sa loob nito at anong mga kapangyarihan na meron ito," ani ni Janus na kinatingin ni Irie. "Si Hagen kaya may alam?" tanong ni Irie. Tiningnan siya ni Janus. "Si Hagen?" ulit ni Janus. Umayos ng upo si Irie at nilingon ang binata. "Nagawa niya pumasok ulit sa amulet at ilabas tayo. Baka may