Chapter 38 3rd Person's POV Habang nakaupo sa swivel chair. Bahagyang hinaplos ni Janus ang litrato sa phone nito kung saan nakatayo ang tatlong batang lalaki na alpha at sa gitna nito ang batang si Quincy na nakangiti at naka-peace sign. "Ang nga anak ko," bulong ni Janus na napahawak ng mahigpit doon. Naibaba iyon ng binata at sumandal sa swivel chair habang sapo ang noo. "Hanggang kailan mo titiisin ang mga anak mo, Janus?" tanong ni Leo na nakasandal sa pintuan habang naka-cross arm. "Anong sinabi ko sa iyo? Sabi kong huwag kang babalik ng hindi ka nagkakaroon ng hint kung nasaan ang omega ko diba?" walang emosyon na sambit ni Janus habang nakatingala sa kisame ng opisina. "Nandito nga ako para mag-report. May dalawa akong dalang impormasyon. Good news and bad news— anong gu