The only man AiTenshi Part 35 JAO POV Lumakad ako patungo kay Gio, hindi ako nag salita, inipon ko ang aking laway ay ibinuga sa kanyang mukha. “pwe! You deserve it! Kumuha ka ng psychiatrist, mayroon ko mental disorder ng kalibugan at magiging manyak! Hindi kita deserve at lalong hindi mo ako deserve! Don’t worry next month ay wala nang bisa ang kasal natin, im working on it kaya malaya kana Gio!” ang wika ko sabay harap sa kanilang lahat. Huminga ako ng malalim at sumigaw. “MGA BABOY!!! SANA MAMATAY NA KAYONG LAHAT! LALO KANA!!” ang singhal ko sabay turo kay Matt na nagsimula ng lahat kasabay nito ang pagpasok nila mama, tito Nilo at ang pamilya ni Gio. “Iyan ang gusto ko, full cast!” ang wika ko habang naka ngisi. “Nakita mo na tito Nilo? Ito ang resulta ng kababuyan at kalibugan

