The only man AiTenshi Part 32 JAO POV “Jao, gusto mo bang mag vacation sa Amerika? O sa ibang bansa kaya?” tanong ni mama sa akin habang kumakain kami ng dinner kasama si Tar. “Tita iyon nga ang sabi ko sa kanya, mayroon akong tita sa Japan, doon muna siya kahit one month, or sasamahan ko siya doon. Madali naman ang business dahil stable naman iyon.,” ang suporta ni Tar “Hindi na ma, dito nalang ako at aasikasuhin ko yung ibang branch,” ang sagot ko naman. “Jao, I think kailangan mong mag relax, puro ka business, puro ka work. Tama na muna, alam kong stress kana at kailangan mo magpahinga,” pagbawal ni mama. “Saka friend ano pa ba gusto mo ha? Young millionaire ka na, I mean tayong dalawa, may mga milyones na tayo sa bangko tama na, mag rest kana muna,” ang pagpigil ni Tar.

