Part 7

2031 Words
The only man AiTenshi Author's Note: Pag walang POV na nakalagay, automatic kay Jao na iyon. Ilalagay ko naman kung kay Gio o sa iba pa. Salamat po. Part 7 "Jao my darling, yung hubby mo ba ay hindi talaga makakarating sa rehearsal? Baka naman kung saan saan magpunta yun bukas dito sa stage," ang wika ni Tar habang kinukuha ang mga gamit sa opisina at ang listahan ng mga models. "Sa mismong event na siya makakapunta Tar, alam mo naman yung tao tambak ang work sa office. Kaya laging pagod," ang wika ko naman. "Tapos nag-eeut pa kayo sa gabi kaya lalo siyang napapagod. Saka please lang Jao, wag na kayo mag eut mamayang gabi dahil yang asawa mo baka magkaroon ng malaking eyebags yan. Baka bukas maging sa halip na si Rayver Cruz ang makikita nila sa stage ay si Rayver Pineda yung makikita nila yung classmate natin noong college na isang GGSS!" ang hirit ni Tar. "Huwag kang mag-alala alam ni Gio ang gagawin niya bukas. Sa dami ng modeling na inattendan noon makita lang niya yung stage ay alam na niya yung gagawin," ang tugon ko habang naka ngiti. "Huwag kang mag-alala naka pantalon ang asawa mo bukas, medyo topless lang at colorful yung bandana, basta ill make sure na walang mang mamanyak sa asawa mo bukas," ang wika nito sabay hila sa akin sa venue ng modeling sa main atrium ng mall. Pagdating dito ay nagrerehearsal ang mga models, ang mga babae ay mga nakapostura, ang mga lalaki ay talagang nag gagandahan ng mga katawan. Parang rehearsal ng pageant dahil ang huhusay ng kanilang pagrampa mga ito. "Ayun diba, kinakabog ni Brix Lee Amorsolo ang rehearsal. Angat na angat ang loko oh, palong palo ang gago! Pero you know kung nandito ang asawa mo malamang putputan to the max yan! Pero in the end yung mas manly ang mananalo at yung mga asawa mo iyon, halika na papagalitan ko yung mga babaeng malalaki ang s**o na umeepal sa mga boys na models!" ang paghila nito sa akin habang nakatingin sa mga magagandang models na babaeng nakapaligid sa mga lalaki. "Teka, nag gegetting to know lang sila bakit mo naman pagagalitan?" tanong ko. "Dahil baka maubusan ako ng boys!" ang wika nito sabay ihip sa kanyang pito. "Prrroooottt! Tigil! Balik na kayo sa trabaho! Bilis na! Lalo na kayong mga babaeng boobsie!" ang wika nito na halatang may inggit kaya natawa nalang ako. Tawanan sila.. Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang may kumalabit sa aking likuran kaya nagulat ako. Pagharap ko dito ay nakita ko si Pugs naka ngiti sa akin. "Hi, kumusta kana? Looking good ah," ang wika nito. "Salamat, kailangan ka pa nauwi?" tanong ko naman. "Last week lang. Gusto nga ni mama na doon na ako mag continue ng pag-aaral sa Canada para malayo daw ako sa bisyo pero sobrang namiss ko na dito sa Pinas. Coffee?" tanong niya. Noong nagwowork ako sa Amerika ay nakilala ko si Pugs. Pareho kami ng building na pinagtatrabahuhan noon at magkaiba ng university na pinagtapusan dito sa Pinas. Naging kami ni Pugs ng halos 1 year din, sabay din kaming umuwi dito kaya nakilala rin siya ng mga kaibigan ko sa opisina ni mama. Gwapo si Pugs, dati siyang artista na sumikat sa mga commercials. At maganda rin ang aming relasyon noon, iyon nga lang ay nalulong siya sa bisyo, uminom ng alak, mag yosi at nabarkada rin sa mga kaibigan niyang mayayaman kagaya niya. Naalala ko pa noong umattend kami ng party dalawa. I mean party ng mayayaman sa isang resort. Dito ay nagdrugs sila at pinipilit niya akong tumikim nito para daw maging wild kaming dalawa sa s*x. Ngunit hindi ko ginawa, ayokong masira ang buhay ko sa bisyo. Kaya't noong gabi na iyon ay umalis ako at nakipaghiwalay kay Pugs. Pero ang akala ko ay makakatakas ako sa anino kaya pero mali pala dahil hindi pumayag si Pugs sa break up namin. Tumatapat ito sa bahay namin ng lasing, nag iiskandalo at pilit na akong pinababalik sa kanya. May isang pagkakataon pa na pinuntahan niya ako sa opisina ni mama at pinilit na sumama sa kanya. Naalarma ang mga parents namin, pati si papa ay naghain ng restraining order laban sa kanya na tatagal ng dalawang taon. Ang mga parents naman ni Pugs ay hiyang hiya sa inasal ng anak kaya't  dinala nalang nila ulit ito sa Canada para malayo sa bisyo at sa barkada. Matapos umalis si Pugs ay inayos ko ang aking sarili at ilang buwan ay nakilala si Gio na aking naging asawa. Nagpunta kami ni Pugs sa coffee shop sa tabi ng stage kung saan nagrerehearsal ang mga model ni Tar. Napakunot noo pa ito noong makita kaming dalawa na nag-usap. "My God, is that your ex? Pugs? Gwapo ha pero di magandang tingnan," ang mensahe ni Tar. "Nakikipag usap lang yung tao, wala naman kaming ginagawang masama." "Basta, married kana at baka makita ka pa ng asawa mo. Bilisan mo na diyan ha. Oo nalang ng oo para matapos na iyan," ang sagot nito sabay tapik sa pwet ng isang lalaking modelo. "So, kumusta kana? Laki ng changes mo, medyo nagkalaman ng kaunti and you look good. Mas gwapo ka ngayon kaysa dati," ang wika ni Pugs sa akin. "Salamat, heto may business kami ni Tar under sa fashion. Ikaw kumusta kana? Tumaba ka rin at medyo naging mature, siguro naman hindi kana mabisyo ngayon," nakangiti kong sagot. "Syempre naman, ilang counseling at private session ang ginawa ko sa Canada para mawala ang bisyo ko. Ngayon Im free, tapos much better na rin ang condition ko. Sad lang ako dahil ang boyfriend na gusto kong balikan ay married na pala. Sayang, ako dapat iyon e," ang biro nito habang nakangiti. "Gusto gusto ka pa naman nila mama at papa, lagi ka nga nilang tinatanong sa akin. Nga pala, sino ang maswerteng lalaki?" tanong niya. "Ang name niya ay Giovanni, isang partime model and now he is working sa company ni mama. Mabait naman, responsible at masipag. Ikaw? Bakit umuwi ka? For good na ba kayo dito?" tanong ko pa. "Nope, siguro mga 8 months lang, magpapatayo ng resort si papa kaya umuwi kami para tingnan ang location. Gusto mong sumama?" "Naku, busy ako sa trabaho." "Ang sabihin mo natatakot ka lang na magalit yung asawa mo," ang biro niya habang nakangiti. Kasabay ng pagtatapos ng rehearsal ay ang pagtatapos rin ng kwentuhan namin ni Pugs. Kinatok lang ni Tar ang bintana kung saan nagkakape at niyaya na ako sa opisina. "Im sorry Pugs ha, pero kailangan na naming bumalik ni Jao sa office," ang wika nito ni Tar. "Okay lang, so paano Jao, see you around," ang ngiti niyang sagot sabay tapik sa aking balikat. Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay saktong pagdating ni Gio para sunduin ako pauwi. Lumapit ito sa amin kaya naman napangiwi si Tar at parang sumakit ang ulo. "Hon, sorry late ako. Tapos na ba yung rehearsal?" tanong nito. "Oo kakatapos lang papa Gio, ayun stage, lalakad ka lang sa gitna tapos hihinto ka doon sa bilog tapos ay pose ka doon, tapos lakad ka sa kanan pose ulit sa bilog, tapos sa kaliwa naman pose ulit. Tapos balik sa gitna then project tapos exit na. Bihis kana para sexy outfit," ang wika ni Tar habang rumarampa sa stage. "Okay, basic lang pala. Sino siya? Model din?" tanong ni Gio sa akin. "Oo nga pala, Gio si Pugs, old friend ko. Pugs siya naman si Gio, husband ko," ang pakilala ko sa kanya. "Nice to meet you pre. Actually Im Jao's ex, bago naging kayo. Pero Im happy for him lalo't nakita niya ang right man para sa kanya," ang hirit ni Pugs. "Salamat pre," ang sagot lang ni Gio sabay tingin sa akin. "Lets go?" "Sige, i'll go ahead na rin dahil naghihintay si mama sa akin sa parking area. See you around," ang nakangiti wika ni Pugs sabay lakad palayo sa amin. Natahimik si Gio.. "Gusto niyo magdinner muna?" tanong ni Tar habang nakangiti. Natingin ako kay Gio na noon nakatanaw sa labas ng mall, tila malalim ang iniisip at parang all of sudden ay nawala ito sa mood. "Next time nalang Tar, sa bahay na kami ng didinner ng asawa ko," sagot ko naman habang nakangiti at niyaya ko na si Gio sa labas. Tahimik lang sa loob ng sasakyan. "Okay ka lang ba hon?" tanong ko sa kanyang habang abala ito sa pagddrive. "Mayaman din yun ex mo na iyon. Kilala ko iyon, dating commercial model at artista iyon diba? Anak mayaman rin kaso may case ng drugs kaya nangibang bansa," ang wika niya. "Kaya nga kami naghiwalay dahil may case siya at ayokong masira ang life ko sa kanya." "Pero kung hindi yun drug adik, malamang ay kayong dalawa pa rin ngayon at siya yung asawa mo, hindi ako." Natawa ako, "Hon, ano bang sinasabi mo ha?" "Wala hon, kanina habang magtingin sa akin pakiwari ko ay ang liit ko. Puro mayayaman kasi kayo at mahirap lang ako. Nai-insecure ako, dahil ganito lang ako," ang wika niya sabay preno sa kotse at saka naiyak. "Hon, please. Ano ka ba? Napakalayo mo kay Pugs. Kung alam mo lang kung gaano ako kaproud na ikwento ka lahat. Wala kang ika inggit dahil wala naman silang pakialam sa ating dalawa. Tayong dalawa lang dito diba? Mag asawa tayo kaya't wala na ang estado dahil ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin," ang sagot sabay yakap sa kanya. "Sorry hon, hindi ko lang mapigilan." "Sshhh, mas lamang ka sa kanila, mas responsable ka, mas loyal at mas masipag. Kaya proud na proud ako sa iyo. I love you," bulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang labi. "I love you too," ang sagot niya sa akin. KINABUKASAN. Dumating ang oras ng event. Punong abala si Tar dahil collection niya ito. Open area ang venue maraming mga tao sa mall ang nanonood. Tama ang marketing strategy na ginawa namin ni Tar, naiopen sa public ang event upang makita ng lahat. Nasa vip area lamang ako at nakaupo katabi ang mga investors at buyers na nais kuhanin ng collections. Nagsimula ang event sa intro ng dancers na sumasayaw ng sexy, ang background stage dagat dahil summer collection ito. Mula dito ay lumabas ang mga model na babae suot ang sexy summer outfit. Makukulay at kanya kanya sila ng projection at pang aakit sa mga audience. Enjoy na enjoy naman ang lahat sa kanilang panonood. Lalo na noong lumabas ang mga lalaking nakahubad sa pangunguna ni Brix. Halos suot nito ang short maiksi, may bulaklak sa leeg at nakatopless lang. Nagtilian ang mga nanood dahil mukha talaga itong artista. Ibinandera din niya ang kanyang makinis na katawan at ang abs hindi naman ganoon kaperfect pero dala dalang niya ito. Kung malakas ang hiyawan kay Brix at mas nagimbal ang audience noong lumabas si Gio, ang katawan ay parang nililok sa perpektong hubod. Maputi rin sa stage si Gio pero hindi kasi puti ni Brix. Ang kulay ni Gio ay lalaking lalaki at napakahot niyang pagmasdan suot ang short na kasing iksi ng trunks at polo na bulalakin. Sa ikalawang paglabas ay nakapants na ang mga ito na kakaiba ang cut pero topless pa rin. Parang bench fashion show ang dating. Katulad kanina ay pinakaguluhan nanaman si Brix at Gio. Para silang magkalaban sa pageant na putputan ang ginagawang salpukan sa stage, yung hindi malaman ng judges kung sino ang mananalo at magkakatalo nalang sa ganda ng kanilang pagsagot. Overall ay naging successful ang event ni Tar, lumakad ito ng buong pride sa stage habang kami naman ay stanting ovation sa pagsalubong sa kanya. Ako naman ay nakangiti lang kay Gio na noon ay nakatayo sa stage. Pinalakpakan ko rin siya at nag thumbs up ako na mahusay ang kanyang ipinakita. Noong mga sandaling iyon ay kitang kita ko ang magandang ngiti sa labi ni Tar. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang sakit dulot ng panloloko sa kanya ni Inton. Ang panandaliang kaligayahan dulot ng tagumpay ay hindi matatawaran. Ilang buwan niya itong pinag paguran at masasabi kong sulit naman ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD