The only man AiTenshi Part 30 GIO POV Tatlong araw matapos ako lumipat ng bagong tirahan, isa itong maliit na apartment sa pag aari ng kaibigan ni Victor. Noong mga oras na iyon ay nag desisyon na rin akong huwag na pumasok sa company ni Mama dahil halos wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya matapos ng ginagawa kong kagaguhan kay Jao. Ngayon ay balik nalang ako sa pag sisideline kasama si Vic para mayroon akong perang maibigay sa aking mga kapatid. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat sa aking buhay at ang paghihiwalay namin ni Jao ay kumalat na rin sa aming mga kaibigan at ang rason nito ay ang aking pagtataksil at pakikipagtalik sa iba kaya naman ganoon nalang ang galit sa akin ng kaniyang mga kaibigan. At ang buong simpatya ay inanin ni Jao dahil siya ang tina

