The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Aug 28, 2021 Part 39 GIO POV REPORT: Samantala ang isa sa mga tinitingalang young entrepreneur ngayon na si Mr. Jao Gagarin ay balik sa bansa matapos ang pamamayagpag ng kanyang clothing lines sa international settings! Si Gagarin ngayon ang isa sa pinakamayamang businessman sa bansa sa larangan ng fashion trends. Inaabangan rin ang ilalabas niyang bagong organic fragrances na tatak pinoy! "Mr. Jao Gagarin, anong maibibigay mo payo sa mga young entreprenuer na gustong sumunod sa yapak mo bilang mahusay na businessman? Follow up question, is it true na may anting anting ang mga Gagarin kaya nasa inyo ang lahat ng luck sa paghawak ng pera at negosyo?" "Very easy, plan, plan, plan and plan some more! There is no substitute for a solid business plan.

