DAHIL SA nalaman ni Georgina mula sa kapatid na si Calixta ang tungkol kay Celestine, ay sinimulan niya na itong pasundan sa ilan sa kaniyang mga bagong-hire na tauhan. Nang makatanggap siya ng ilang larawan at impormasyon mula sa mga tauhan ay nakunpirma niyang tunay nga na nakikipagkita si Celestine kay Wallan, ang tanging bagay lamang na ipinagtataka niya ay; bakit ito ginagawa ni Celestine, kung ang lalaking gusto nito ay si Quidd. Naguguluhan siya sa mga nangyayari kung kaya minarapat niyang magtungo sa condo unit ni Celestine upang kausapin ito, bilang mas nakatatanda sa bunsong kapatid. “Aalis ka?” tanong ni Wesley nang mabungaran siya niyo na papalabas sa pintuan ng mansion. Pababa ito sa mahabang hagdan na nasa gilid ng living room. Tumango siya. “Pupuntahan ko lang si Celest