MATAPOS hindi magparamdam ng lalaki ng ilang araw ngayon ay magpaparamdam ito nang biglaan at sasabihing nag-aalala sa kaniya. Hindi niya tuloy malaman kung nagsasabi ito nang totoo, ngunit bakit sa kaniyang dibdib ay tila totoo ang lahat ng sinasabi nito at nais niyang maniwala sa ipinapakita nitong pag-aalala sa kaniya. Tumunog ang kaniyang cellphone kaya naman naputol siya pag-iisip. Ibang cellphone ang kaniyang dinala maging ang simcard na nasa loob nito, dahil nasa contact nito ang numero ni James. Dito ay nagagawa siyang kontakin ng lalaki upang sabihin ang kaniyang mga dapat gawin ngayong gabi. Hindi nga lang siya natutuwa dahil sa kabastusang pinagsasasabi ng lalaki ngunit kailangan niyang linlangin nito. Nang tangkang sasagutin niya na ang tawag nang pigilan siya ni Quidd. “S