NGUMITI si Georgina nang makarating sa Mansion ang kanilang mga bagong tauhan. Nakaupo siya sa isang couch habang isa-isang nagpapakilala ang mga ito. Ganoon na lamang ang kaniyang tuwa dahil mukhang maasahan na tunay ang mga ito. “They got their tattoo now,” wika ni Wesley na nakatayo habang magkaekis ang braso sa dibdib nito. Pinasadahan nito ng tingin ang mga balikat ng babaeng kasama nila ngayon sa loob ng library. May kaniya-kaniya itong kulay itim na tato ng apat na baraha. “She is Georgina Lewis, the Club of the Card.” Matapos siyang ipakilala ay tumingin ito kay Calixta. “She is Calixta, the Diamond of the Card. You will meet Celestine soon, she' s the Heart of the Card. But, she's not here today. I don't know why.” “You’ll remain with your weekly training, so keep in touch.” N

