BUMUNTONG hininga si Calixta at inayos na lamang ang mga gamit na dala ni Celestine. Pagkagaling kasi nito sa Hospital ay dumiretso agad ito rito kay Georgina. Kilala niya ang mga kapatid, kahit sino sa kanilang apat ay hindi ginustong magtagal ng ilang araw sa Hospital kahit na gaano kalala ang kanilang sakit. Pakiramdam nila ay mas lalo silang magkakasakit kung mas mananatili nang matagal sa Hospital at nakahiga lamang. “Ang dami ng mga kaguluhang nangyayari. Hindi ko naisip na malalagay sa ganitong sitwasyon si George. I pointed a gun at her head before. I feel like, such a jerk,” wika ni Wallan at isinara ang bintana. Lumapit ito sa kama ni George at tinitigan ang walang malay na babae. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang luha sa gilid ng mga mata nito. “Guys! look! she's c