NAGTUNGO si Georgina at si Quidd sa kung saan-saang bahagi ng isla. Magkasama nilang inikot ang kabuoan ng Isla De Laso, na hindi naging mahirap sa kanila dahil hindi naman kalakihan ang lugar na ito. Natutuwa siya sa lahat ng kanilang napuntahan, dinala rin siya nito sa ilang tindahan ng sapatos at damit. Binilhan siya nito ng kung ano-ano matapos nilang mahirapan sa paghahanap ng ATM machine na maaring mapagwi-withdraw-an ng pera, dahil walang tindahan ang tumanggap sa credit card ng lalaki. Ngayon ay kasalukuyan silang nasa loob ng isang tindahan ng mga souvenir ng isla. “Come here.”' Lumapit siya sa lalaki nang tawagin siya nito. Nang tuluyang makalapit ay kinuha nito ang kaniyang kanang palad, matapos ay isinuot sa kaniyang braso ang isang purseras na gawa sa dahon ng buko na siy