DIVINE NANG iputok ni Francine ang baril ay kaagad akong umupo dahil para hindi ako matamaan. Nanginginig ang tuhod ko ng mga oras na iyon at hindi alam ang gagawin. Paano ko matatalo ito kung wala naman ako kahit ’ni isang armas? Nakaupo lamang ako habang ang mga palad ko at nakatuon sa sahig. “Ano, Divine talo ka? Tumayo ka at harapin mo ako!” sigaw niya. Inangat ko ang mukha ko at kitang-kita ang nanlilisik niyang mata sa akin. Nakita ko namang nakababa ang baril kaya dahan-dahan akong tumayo. “Huwag ka nang magmatigas pa, Francine. Huwag mo na itong gawin pa sa akin at sa kapatid ko. ’Di ba ang gusto mo lang naman kunin ay si Alexander? Bakit hindi mo siya kunin? Free na siya...” saad ko. Imbis na sumagot siya ng praktikal ay humalakhak lang ito na para bang may nakakatawa sa mg