DIVINE MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang napakalaking kuwarto. Namumungay pa akong tumayo at parang nahihiwagaang pinagmasdan ang paligid. Nasaan na ba ako? Mga mamahaling gamit ang nakita kong naka-display sa isang malaking aparador. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko ngayon na para bang walang problema. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita ko ang isang matandang kasambahay dahil sa suot nito. May dala itong tray. Ipinatanong niya iyon sa isang babasaging lamesa. “Ma’am, kumain na raw po kayo sabi ni Sir.” Tumango ako. “Sino ho ba ang nagdala sa akin dito? Ki-ni-dnap po ba ako? Puwede po bang pasabi na wala akong pera pang ransom. Sabihin niyo po na nagmamakaawa ako,” saad ko rito. Kita ko ang ekpresyon ng mukha