NAPADAING si Rena paggising niya. Bigla kasing kumirot ang ulo niya, parang mababasag lalo kung igagalaw niya. Nanatili siyang nakahiga nang ilang minuto. Nang humupa ang kirot ay dahan-dahan siyang bumangon. Pagtingin niya sa wall clock ay pasado alas-nuwebe na ng umaga.
Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Tuloy ay gusto na rin niyang maligo. Pagpasok niya sa shower room ay nagulat siya nang may naka-hanger na basang tuwalya. Mukhang kagagamit lang nito. Basa pa ang sahig. Sino naman ang naligo sa banyo niya?
Hindi na lamang niya iyon pinansin. Naligo na siya. Habang kinukuskos ng sabon ang kanyang katawan ay biglang dumapo sa balintataw niya si Erman. Ang huling naalala niya ay hinatid siya ng binata sa kuwarto niya. Hindi naman siya nalasing talaga, sobrang antok lang niya at may kaunting pagkahilo.
Humilab na ang sikmura niya kaya minadali niya ang paliligo. Puting roba lang ang isinuot niya. Wala naman siyang kasama kaya kahit maghubad siya ay walang problema. Paglabas niya ng kuwarto ay deretso kaagad siya sa kusina.
Her feet nailed on the floor when she caught a half-naked guy cooking in front of the stove. He just wearing black fitted jeans. She could smell the familiar shrimp recipe. Lalo siyang nagutom sa amoy.
“Erman…” mahinang sambit niya.
“Good morning!” bati ng binata, without facing her.
Hindi siya makalapit dito dahil wala siyang suot na underwear. Medyo makapal lang ang tela ng roba.
“What are you doing?” wala sa loob na tanong niya.
“I’m cooking, can’t you see?” he sarcastically replied.
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Nag-init ang mukha niya nang sulyapan siya ni Erman.
“I’m cooking shrimp tempura,” he said.
“Talaga?!” bulalas niya.
Sa sobrang tuwa ay napatakbo siya kay Erman at sinilip ang niluluto nito sa kawali. He’s right, he’s deep prying a battered shrimp. It’s one of her favorite Japanese seafood dishes. Since she’s a kid, her mother always serves her tempura. Lalo siyang nag-crave nang makitang halos perpekto ang pagkaluto ni Erman sa hipon na malalaki.
“Magbihis ka muna baka hindi mawala ako sa focus,” bigla’y sabi ni Erman.
Pumiksi siya saby silip sa kanyang dibdib. Halos dumungaw na pala ang n*****s niya. s**t! Natawa siya.
“Sorry. I thought I’m just alone here. Nandito ka pala,” aniya saka tinalikuran ang binata.
“I’ve just arrived actually,” he said.
“Really?” Sinipat niya ito.
“Umalis ako mga two o’clock nang madaling araw. Bumalik ako kaninang alas-singko.”
“Hindi ka pa natulog?”
“Nope. May operasyon kasi kami sa labas kanina. I just drop by here to check you and to talk to you about an important matter.”
“Ah okay. Magbibihis lang ako,” aniya saka pumasok sa kuwarto.
Hindi pa niya nahahalungkat ang maleta niya kaya pinagtiyagaan muna niya ang malaking puting T-shirt at jogging pants. Plano rin niyang bumalik sa gym after lunch. Binalot niya ng tuwalya ang basa niyang buhok dahil tumutulo pa.
Pagbalik niya sa kusina ay nakapaghain na ng pagkain si Erman. Medyo duda na rin siya sa extra service na ginagawa nito. O baka sadyang hobby lang nitong mag-asikaso ng ibang tao. Hindi niya ito mabigyan ng malisya dahil sa simula pa lang na nakilala niya ito ay mabait na at maasikaso.
“I prepared sweet and sour sauce and sour cream. Which do you prefer?” tanong nito.
“Sweet and sour is fine,” sagot niya.
Namangha siya sa presentasyon ng pagkain. Parang professional ang naghanda. Hinila kaagad niya ang upuan sa gawing kanan at lumuklok dito. Sa sobrang excitement ay pumulot siya ng tempura gamit ang kamay.
“Ouch!” daing niya nang mapaso ang mga daliri.
Natawa si Erman. Her eyes stuck on Erman’s handsome face as she heard his sexy laugh. Nakatitig lang siya rito habang ito ang naglalagay ng tempura sa plato niya gamit ang chopstick.
“Kahahango lang nito sa kumukulong mantika kaya mainit. Let it cool first,” anito. Umupo na rin ito sa katapat niyang silya.
“I’m impressed, Erman. I hope I didn’t break your schedule. At sana rin ay walang magagalit dahil nananakaw ko ang oras mo,” aniya nang maisip na napadalas ang pagpunta roon ni Erman.
He chuckles while pouring the orange juice into her glass. “As I told you, it’s part of my job. And don’t worry, I’m single. Walang magagalit kung ubusin ko ang oras ko sa ‘yo,” wika nito.
Hindi niya pinansin ang naunang sinabi nito, but the last one felt intriguing. It has a deep meaning for her. Nage-ilusyon na ata siya.
“Thanks but I can manage myself here,” aniya.
“I know. I hope you already have friends here.”
Napalis ang ngiti niya. Iyon ang isa sa problema niya. “Uhm, wala pa naman akong nakikilalang kaibigan. Siguro dahil busy lahat ng mga tao.”
“Bakit? Wala bang pumapansin sa ‘yo rito?”
“Meron naman pero walang kumakausap sa akin maliban kay nana Linda at sa food server na si Joe. Ang iba especially mga babae. Ewan, parang ayaw nila sa akin. Naisip ko tuloy baka may galit sila sa akin.”
“Bakit baman sila magagalit sa ‘yo eh hindi ka nila kilala?”
Kumibit-balikat siya. “Or maybe because you treat me extra special,” amuse na sabi niya.
Natawa si Erman. “That’s not the reason I guessed. Just ignore them.”
Nang medyo malamig na ang tempura ay kumain na siya. May niluto rin si Erman na shrimp soup with spinach.
“Uh… ano pala ang pag-uusapan natin?” tanong niya sa binata nang maalala ang pakay nito.
“Yes, it’s about your family.”
Napalis ang ngiti niya. Ano ba kasi ang gustong malaman ng mga ito tungkol sa kanya? “What about my family?” aniya.
“I’ve had read your records together with your passport. Your reason for urgent flight listed to the travel authority, you said that your mother died here in the Philippines. Gusto ko lang malaman kung ano pa ang ibang dahilan.”
Bumagal ang pagnguya niya. Ang totoo, kasinungalingan lahat ng isinulat niya sa papeles para lang makalusot siya. Bago namatay ang mommy niya ay kinuhaan siya niyon ng passport at Visa dahil gusto nito na kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay umalis siya at umuwi ng Pilipinas. Sixteen years old siya noong huli silang bumisita sa Pilipinas kasama ang daddy niya pero related business ang pakay nito kaya hindi rin siya nakapag-enjoy.
Tumira rin sila noon sa Pilipinas pero tatlong taon lang. Noong namatay ang mga magulang ng mommy niya ay nag-stay na sila sa Japan.
“Hindi totoo ang reason ko. My mother died two years ago,” bunyag niya.
Nanlaki ang mga mata ni Erman. “You mean, you lied?”
“Yes. Kailangan kasi may reason. Pero dahil urgent flight naman, hindi na nila masyadong pinansin at nakita nila na dual citizen ako. Pero kung wala akong dugong filipina, baka hindi ako pinayagan kasi hindi na pinapalabas ng Japan ang gusto lang mamasyal sa Pilipinas. May travel ban kasi mula Pilipinas pero puwede pa noon pumasok sa bansa ang OFW,” kuwento niya.
“So ano ang reason mo bakit bigla kang umuwi ng Pilipinas?”
Matamang tumitig siya kay Erman. Sa pagkakataong iyon ay may tiwala na siya kay Erman.
“Tinakasan ko ang dad ko,” tugon niya.
“Tinakasan? Bakit?” curious nitong tanong.
Sumimsim siya ng kaunting juice. “Hindi ko na kasi kaya ang pagtrato niya sa akin. He treats me like a prison. I can’t go out to find my work, even hanging out with my friends.”
“Hindi ko maintindihan. Bakit ganoon ang dad mo?”
“Hindi ko rin maintindihan. He’s a mafia lord. He killed my mother, he killed lives.” Hindi niya napigil ang kaniyang emosyon, na nag-udyok sa kaniyang pagluha. “Sakal na sakal na ako sa ginagawa niya.”
Maagap naman si Erman sa pag-abot sa kanya ng tissue paper. Kinuha naman niya ito at pinahid ang luha sa kanyang pisngi.
“May alam ka ba sa iba pang ginagawa ng dad mo?” usisa nito.
Naalala niya, may bampirang nakakulong noon sa basement sa bahay nila. May taong pinapalapa roon ang dad niya.
“Ang huling nakita ko, may tao na pinalapa si dad doon sa ikinulong niyang bampira. May mga pumupuntang grupo sa bahay at nakkipag-deal ng kung anong business kay daddy. Malalaking pera ang ibinabayad kay daddy,” kuwento niya.
“You mean, may koneksyon sa mga bampira ang dad mo?”
“Yes, but I don’t know what they were dealing with.”
“May naalala ka ba na kinuhaan ka ng dad mo ng dugo?”
“Yes, a month before I decided to move here. Halos isang baso ng dugo ang kinuha niya sa akin.”
“Saan daw niya gagamitin ang dugo?”
“I don’t know. Hindi puwedeng magtanong basta kay dad, nananakit siya.”
“s**t!” he cursed. “Is your dad normal human, Rena?”
Nagulat siya sa naging reaksyon ni Erman. She didn’t felt insulted because she knew that her dad was not an ideal father. However, she didn’t curse him. She just wanted to set herself free from his unhealthy treats. She knows that there’s something wrong.
Tumulo na naman ang luha niya. “Yes, my dad was not a good father to me. He hurts me, always when I made mistake.”
“Okay, that’s enough. Sorry,” awat ni Erman. “Just tell me your father’s real name.”
“His name was Kaito Natsuki,” sabi niya naman. Wala na rin siyang mailuha.
“We will try to investigate about your father, Rena. I’m sure, there’s an influenced vampire behind their businesses.”
Kinabahan siya. “Please, huwag na. Baka kapag ginulo n’yo sila ay malaman ni dad na narito ako,” nababahalang sabi niya.
“Huwag kang mag-alala, wala silang malalaman. Ang gusto lang naming matukoy ay kung sino itong bampira na nasa likod ng blood trafficking na naka-base sa Japan. Maaring may koneksyon dito ang dad mo.”
Kahit hindi maganda ang trato sa kanya ng daddy niya, ayaw pa rin niyang malaman na nasa panganib ang buhay nito. She still love her dad no matter what happens. As of now, she needs to hide just to find her freedom. Gusto pa rin niyang makasama ang kanyang ama kapag ito ay nagbago na.
ISANG linggo na hindi nakikita ni Rena si Erman. Kahit papano ay nagkaroon siya ng mga kaibigan kaso mga lalaki. Sina Mike at Jered, parehong may dugong Spanish. Mike was a former seaman, while Jered was a medical technologist. Mag-second cousin ang dalawa. Nakilala niya ang mga ito sa gym kahapon nang mag-work out siya.
Mas panatag siyang makisama sa mga lalaki kaysa mga babae roon na palaging nakasalubong ang mga kilay kapag nasasalubong niya. Nag-enjoy siya sa company ng dalawang lalaki. Matatanda lang ng dalawang taon ang mga ito, magaganda ang katawan at mukha.
Sabado ng gabi ay tumabay si Rena sa KTV bar kasama sina Jered at Mike. Kuwento ni Mike, ikinasal ito sa long time girlfriend at one month pagkatapos ng kasal nito ay namatay ang asawa matapos makagat ng taong infected na pala ng virus. Saktong nag-declare na noon ng lockdown sa Talisay Cebu dahil sa virus.
Si Jered naman ay naka-duty noon sa ospital na mayroong nagpositibo sa virus. Na-trap daw ito roon ng ilang araw bago may nag-rescue. Hindi na nito nakasama ang mga kaanak. Sa kasamaang palad, ito na lang ang survivor sa pamilya nito. Si Mike ay nailigtas pa ang ina na paralisado. Pero ang mga kapatid nito at ama na noon ay nasa trabaho ay hindi nakaligtas.
Nakaupo silang tatlo sa stool chair sa harap ng counter at may sinisimsim na cocktail. Si Mike ay hard liquor ang iniinom. Pareho naman sila ni Jered na cocktail lang ang kaya. Mamaya ay nagyaya si Mike na kumanta sila.
Pumasok sila sa music room na may grupo ng kababaihan na kumakanta sa videoke. Ang iba ay lasing na. Umupo sila ni Jered sa sofa katapat ng karaoke. Mga wild na ang ibang babae. Si Mike and nag-scan ng KTV bar code karaoke para makapili ito ng kanta. Iisa lang ang karaoke dahil sira ang isa sa kabilang silid. Binalikan siya ni Mike.
“Do you want to sing, Rena?” tanong ni Mike.
“No, I didn’t sing,” mariing tanggi niya.
“Come on, I wanna hear your voice,” pilit nito.
“Sorry, kayo na lang.”
“Ang killjoy mo.”
Bumalik si Mike sa karaoke at nag-scan ulit ng bar code. Mamaya ay may babaeng lumapit dito. Mukhang lasing na ang babae, magaslaw na itong kumilos at halos mahubaran na sa suot na sando. Labas ang pusod nito. Pilit itong iniwasan ni Mike.
Hawak na nito ang wireless microphone saka bumalik sa kanila ni Jered. Siya namang tayo ni Jered at nagpaalam na kukuha ng inumin at snack. Uupo pa lang sa tabi niya si Mike ay hinaklit na ng babaeng humahabol dito ang balikat nito.
“Hey! Hindi ka ba nakakaindinti? May kasama ako at ayaw kong lumabas,” naiinis nang sabi ni Mike sa babae.
“Uh, ganun? Dumating lang ‘yang babae na ‘yan ayaw mo na sa akin? Bakit? Mas masarap ba siya, ha?” walang gatol na sabi ng babae.
Uminit ang tainga ni Rena sa narinig. Mukhang madadawit pa siya sa problema ng dalawa. Sa pagkakaintindi niya, mukhang may relasyon ang dalawa. She’s not sure if what kind of relationship. Ang sabi naman ni Mike ay wala itong girlfriend dahil hindi nito malimot ang namatay na asawa.
“Stacy, please, huwag kang magkalat dito,” ani ni Mike, kalmado pa rin.
“So, tama ako, umiiwas ka na nga,” giit pa ng babae.
Natawa si Mike. Tinalikuran nito ang babae saka umupo sa gawing kaliwa niya. Hindi na ito makaawit dahil humarang ang babae sa harapan nila. Ang sama ng tingin nitong Stacy kay Rena. Mukhang siya talaga ang tinuturong dahilan bakit iniiwasan ito ni Mike. Pakialam naman niya sa mga ito?
Tatayo sana siya pero hinawakan ni Mike ang kanang braso niya. Napaupo siyang muli. “Ayaw ko ng gulo,” sabi niya.
Itinaboy naman ni Mike si Stacy. Lumayo ito kaya kumanta na si Mike. Nang dumating si Jered ay nagpaalam siya sa mga ito na magbabanyo. Saktong palabas siya ng kuwarto ay may pumatid sa paa niya. Nadapa siya. Pag-angat niya ng mukha ay namataan niya si Stacy na nakatayo sa harapan niya kasama ang dalawa pa nitong kaibigan.
“Hoy!” Dinuro siya nito. “Mainit talaga ang dugo ko sa ‘yo, eh. Akala mo kung sino kang special porke si Sir Erman ang nagdala sa ‘yo rito! Girl, wala kang lugar dito! Itsura mo pa lang, alam kong malandi ka!” gigil na sabi nito saka siya tinadyakan sa tagiliran.
“Ugh!” daing niya nang tila tinamaan ang matris niya.
Dinakot pa nito ang buhok niya saka siya sinampal sa pisngi. Bahagya siyang nahilo. Ito lang naman ang nananakit sa kanya. Ang dalawang kasama nito ay pilit umaawat dito.
Akmang tatadyakan siya ulit ni Stacy pero nahuli niya ang paa nito. Hinatak niya ito. At nang tumihaya ito sa sahig ay lumuklok siya sa puson nito at inundayan ng suntok sa mukha. Nanilim na ang paningin niya sa galit. Hindi na niya namamalayan ang kanyang ginagawa. Ni hindi niya naririnig ang ingay sa paligid.
Nahimasmasan na lang siya nang may malalakas na kamay ang umawat sa kanya at binuhat siya.
“f**k! What’s going on?” wika ng pamilyar na boses ng lalaki na siyang may karga sa kanya.
Nakalasubsob ang mukha niya sa kanang balikat nito. Nasilip pa niya ang pinanggalingan nila. Nakita niya si Stacy na pinagtutulungan ng kalalakihan na ihiga sa stretcher. Duguan ang mukha nito at walang malay.
“What I had done?” tanong niya sa hangin.
Mariin siyang pumikit. Mabilis maglakad ang lalaking may buhat sa kanya. Ramdam niya ang lakas nitong pumapasan sa kanya, maging ang matigas nitong dibdib na umaalalay sa kanyang katawan.
Nang magmulat siya ng mga mata ay namataan niya ang mukha ni Erman, na siyang may karga sa kanya. Inihiga siya nito sa makitid na kama, sa may loob ng maliit na silid na pulos puti ang paligid.
May lumapit namang lalaki na may dalang medicine kit. Umupo siya nang mawala ang pagkahilo niya. Saka lamang niya naramdaman ang hapdi sa mga braso niya. May mga bakas ito ng kalmot, dumudugo pa.
She looked up at Erman standing in front of her, while the nurse doing first aid on her scratches. He just staring at her intently with a hint of curiosity on his face. Hindi naman ito galit pero panay ang buntong-hininga nito. She missed his presence, his handsome face. He looks hot in his gray suit. Mukhang may dinaluhan itong party.
Pagkatapos magamot ang sugat niya ay binuhat siya ulit ni Erman at dinala sa kanyang kuwarto. Inilapag siya nito sa kama.
“Erman…” sambit niya nang akmang iiwan siya nito.
“Just rest. I’ll talk to you tomorrow,” sabi nito saka tuluyang lumisan.
Hindi na siya bumangon. Pagod na pagod na kasi siya.