HUMINTO sa paghakbang si Erman. Hanggat maari ay ayaw na muna niyang makausap si Rena pero ito naman ang lumalapit sa kanya. “So what now?” supladong sabi niya. “Ano ba ang kailangan mo para maging magaan naman ang pakikitungo mo sa akin?” tanong nito. Nagtagis ang mga bagang niya. Nahihirapan pa rin siyang labanan ang pride niya. “Anesthesia, iyon ang kailangan ko sa ngayon, Rena. I’m still in pain,” sarkastikong sagot niya. Bumuga ng hangin ang dalaga. “Alam kong nasaktan ka, Erman, pero hanggang kailan mo ako titiisin? Kailangan kita. I need you to recover,” emosyonal na wika nito. Lalo siyang nairita. “I didn’t command you to do the reincarnation. And now, you will obligate me to help you to recover your lost memories? It’s your choice, right? Ni hindi mo nga ako kinalabit para