Sa Isang tahimik na park siya dinala ni Yuan. 'Di kalayuan mula sa hotel kung saan ginanap ang event na inorganisa ng kanyang ina. Kakaiba ang suot nila kung ihahambing sa mangilan-ngilan na naroon. But she didn't care at all. Ano naman kung mukha siyang sasali sa Disney cosplay? Hindi nga niya iniintindi kung bukas may injury na siya sa baga dahil sa naka exposed na likod niya sa malamig na hangin. Masaya na siya na nakasama niya si Yuan. Unfairness mukhang lover's lane pa yata ang napuntahan nila. Karamihan kasi sa mga nando'n magkapareha, very sweet at intimate pa. Ramdam niya ang pagkailang ni Yuan na panay ang hawak sa batok habang nakasunod sa paglalakad sa kanya. "Hinto muna tayo kuya, nanakit na paa ko suot kong heels." Hindi na mapigilang reklamo ni Aya na kusa ng napasalampak s