Kinumutan ni Yuan ang natulog na anghel sa kanyang sofa. Yes, angel indeed. Sa kabila ng kakulitan ay may maamong mukha si Aya. Pumasok lang siya sandali sa kuwarto at pagbalik ay nadatnan na niyang nakatulog na ang dalagita. Natigilan siya nang may mapansing kakaiba kay Aya. May mala rosas itong pisngi, mapula pati ang labi. Tinitigan niya ito ng mabuti. Para makasigurado ay tinapat pa niya ang flashlight ng cellphone sa pisngi nito. At ganoon na lang ang bumalatay na takot sa mukha niya nang masiguradong maputla pa sa papel ang dalagita. Bahagya pa itong nanginginig. "Aya!" Umaapoy ito sa lagnat ng hawakan niya. Nagsimula na siyang magpanic. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin. Naghanap siya ng gamot para sa lagnat sa medecine cabinet pero sa kamalasan ay naubusan pala siya. Sanay kasi