Nagtaka si Yuan nang pagdating niya sa kanilang bahay ay walang tao at nakapatay ang ilaw. Hindi niya alam kung nasaan si Aya at kanilang anak sapagkat hindi naman ito nagpaalam kung saan ito pupunta. Wala rin maging ang mga maid. Biglang bumadha ang takot sa kanyang dibdib. Hindi kaya may nangyaring masama? Hanggang ngayon ay taglay pa rin niya ang trauma na dinanas noong nakaraan. Tumakbo siya sa kanilang kuwarto ni Aya upang magulat lamang ng pagbukas niya ng ilaw. "Suprisse!" Sumabog ang confetti. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Yuan na awtomatikong napyakap sa kanyang asawa at hinalikan ito sa labi. Yumuko rin siya upang mahalikan sa pisngi ang napacute nilang anak na may hawak na cupcake. "Thank God" "Huh? Why?" Maang si Aya. "Wala. Ano'ng meron?" Tanong niya naguguluhan