bc

The Heir and His Maid

book_age18+
1.3K
FOLLOW
17.4K
READ
HE
arranged marriage
badboy
heir/heiress
drama
bxg
highschool
small town
lies
secrets
sassy
naive
like
intro-logo
Blurb

He’s Kenzo Fisher, twenty one, the cold heir to the Fisher empire and one of the most feared fraternity leaders at De La Cerna University.

She’s Aila Mendoza, eighteen, a maid at the Fisher mansion, stuck inside the Fisher mansion because of a deal made by the Don.

Different worlds. Different rules.

He’s supposed to keep his distance. She’s supposed to know her place.

But forbidden love doesn’t follow rules.

Now they’re hiding stolen moments, defying family expectations, and risking everything just to be together.

The question is…

Will Kenzo and Aila’s love survive the Don, the empire, and everyone determined to tear them apart?

chap-preview
Free preview
Chapter - 1
“Aila, ikaw na ang maghatid nito sa may swimming pool. Marami pa akong inihahanda rito,” utos sa kanya ng Tiyang Mara niya. “Eh T’yang, naroon po ang mga bisita ni Sir Kenzo. Nahihiya po ako,” tugon niya sa tiyahin. “Bakit ka naman mahihiya? Hindi ka naman papansinin ng mga iyan,” saad nito sa kanya at ipinilit na ipasa sa kanya ang tray na may lamang pagkain na ipinahanda ni Sir Kenzo sa mga kasambahay. Mainit pa ang tinapay. Nangangamoy keso at hamon. “Ano ka ba naman, Mara. Natural lang mahiya si Aila sa mga bisita ni Sir Kenzo. Eh kapwa niya teenager ang mga iyan,” saad ni Manang Patris habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Maamo ang mga mata ni Manang Patris. Hindi tulad ng sa tiyahin niya. “Ano ka ba naman, Aila. Kahit ka-edad mo ang mga iyan, hindi ka naman nila kauri. Hindi ka nila papansinin!” saad ng tiyahin niya. “Ala, sige na! Lakad na. Marami ka pang dadalhing pagkain doon!” utos pa nito sa kanya. “Anong hindi? Napakaganda nga ng pamangkin mo. Maputi at makinis. Puwede pang mag-artista ‘yan!” saad ni Manang Patris. “Naku, ang sabihin mo nagmana ‘yan sa nanay niyang kerengkeng!” saad ng tiyahin niya at itinulak na siya para dalhin ang tray ng pagkain sa may swimming pool. Siya si Aila. Labing-walong taong gulang. Second year nursing student sa De La Cerna University—ang pinakamalaking unibersidad sa bayan ng San Juan. Halos lahat ng estudyante roon mayayaman. Pero hindi siya kabilang doon. Napunta siya sa bayan ng San Juan dahil nagpakasal ang nanay niya sa isang Hapon. Sumama ito sa Japan at iniwan siyang mag-isa sa bayan nila, nangakong padadalhan siya ng pera para sa pag-aaral. Pero wala ni isa sa mga pangako ng Nanay niya ang natupad. Ni hindi na rin niya ito nakausap pa. Para bang sinadya siyang kalimutan. Hindi na rin siya nagtataka. Mula pa noong bata siya, wala naman talagang pakialam sa kanya ang ina. Pinagsusumikapan niyang makatapos. May scholarship siya sa maliit na kolehiyo sa bayan nila kaya libre ang pag-aaral niya. Pero dahil wala siyang kasama at hirap na hirap na rin siyang buhayin ang sarili, napilitan siyang sumama sa Tiyang Mara sa bayan ng San Juan. Kapatid ng nanay niya si Tiyang Mara. Walang asawa at walang anak. Matandang dalaga. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit masungit at istrikto ito sa kanya. Namamasukan bilang kasambahay ang tiyahin niya sa mayamang pamilya ng mga Fisher sa bayan ng San Juan. Hindi nahirapan ang tiyahin niya na maipasok siya bilang kasambahay sa mansyon ng mga Fisher dahil kulang sila sa kasambahay sa laki ng mansyon kahit iilan lang ang nakatira. Mabait si Don Kennedy. Ito pa mismo ang nagsabi sa tiyahin niya na papasukin siya sa De La Cerna University para maipagpatuloy ang pag-aaral niya ng nursing. Hindi niya tinanggihan. Nangako siya sa Don na magsisilbi nang maayos sa mansyon bilang kapalit sa tulong nito sa pag-aaral niya. Isang buwan pa lang mula nang manirahan siya sa mansyon ng mga Fisher. Last week, nagsimula na rin ang klase niya sa De La Cerna University. Nanibago siya. Malaki ang kaibahan nito sa dati niyang eskwelahan. Last week din, sa pagbubukas ng klase, dumating ang nag-iisang apo ng Don—si Sir Kenzo Fisher. Galing sa America para samahan ang mama nito. Hiwalay na kasi ang mga magulang ni Kenzo at nasa ibang bansa na ang mama nito. Hindi siya sigurado kung may iba na itong pamilya o wala pa, dahil maingat lahat sa mansyon na huwag pag-usapan ang mga amo. Sa pagkakaalam niya, graduating student na si Kenzo Fisher sa kursong Business Management. Ito na raw ang susunod sa yapak ng ama at ng Don para magpatakbo ng Fisher Companies. Gwapo at may malakas na appeal si Kenzo Fisher, lalo na sa mga babae sa university nila. Sikat ito. Habulin ng mga babae. Gwapo eh, tapos mayaman pa. Minsan pa lang niya itong nakasalubong sa university, pero hindi siya nito pinansin. Sino ba naman kasi siya para pansinin ng isang Kenzo Fisher. Dahil sa sapilitang utos ng Tiyang Mara na dalhan ng meryenda ang mga bisita ng amo sa may swimming pool, wala siyang nagawa kundi sumunod kahit ayaw niya. Baka mamukhaan siya ng mga kaibigan ni Kenzo. Bitbit ang tray, lumakad siya patungo sa swimming pool. Malayo pa lang, dinig na dinig na niya ang malalakas na tawanan at tilian ng mga babaeng naroon. Para bang kinikiliti sa singit. Tahimik siyang lumapit at pasimpleng sinulyapan ang tatlong babaeng naroon na may kanya-kanyang kaparehang lalaki. Ang isa, kay Kenzo. Nakakandong ito habang halos magpang-abot na ang mga labi. O baka naghahalikan na kanina ang mga ito kanina pa. Halos wala na ngang saplot ang mga babae sa suot na swimsuit. Na sadyang binabandera ang katawan sa mga naroong lalake. Hindi nalalayo ang edad niya sa mga naroon. Malayo lang ang agwat ng estado nila sa buhay. Siya, kasambahay. Angm mga iti, ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kaya hindi na siya magtataka kung hindi siya mapansin ng mga ito. O masulyapan man lang kahit isang beses. Ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na mamasukan bilang kasambahay. Pero dahil sa hirap ng buhay at mag-isa na lang siya, wala siyang malapitan, kaya pati ganitong trabaho pinasok na niya. Wala namang masama sa pagiging kasambahay. Sadyang hindi lang niya inakalang aabot siya sa ganito. Mas marangal ito kaysa pumasok siyang dancer sa club o ibenta ang sarili. Isa-isa niyang inilapag ang laman ng tray sa mesa habang abala ang mga bisita sa isa’t isa. Para bang nasa motel ang mga iyo kung magkandungan at maghaplusan. Matapos mailapag ang lahat, napasulyap siya kay Kenzo. Panay ang halik ng babaeng nasa kandungan nito sa pisngi nito. May hikaw itong kumikislap. Mahaba at pula ang kuko. Nagkataong nakadako ang tingin ni Kenzo sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Saglit lang. Isang segundo. Pero sapat na para makita niya ang kulay ng mga mata nito sa araw—hindi itim. Parang abo. Agad siyang nag-iwas. Pinagpawisan ang mga palad niya. Alam niya ang lugar niya. Hindi siya dapat tumingin sa mga mata ng amo dahil magkaiba sila ng estado. “Teka… you look familiar,” saad ng isang babae na parang sawa kung makapulupot sa lalaking walang pang-itaas at puno ng tattoo ang braso. “Yeah, familiar nga siya,” dagdag ng lalaki sa dulo ng upuan habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Hindi tingin ng pagkilala. Tingin ng paghuhusga. Wala siyang naging tugon sa mga ito. Pinili na lamang niyang umiwas na. At magalang na nagpaalam sa mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook