Chapter 28 TAMA ba iyong narinig ko? I blinked my eyes countless times just to absorb what he just said. Kay Johann ba talaga nanggaling ang mga salitang iyon? Hawak ko ang kahetang ibinigay niya at tinitingnan ko lang siya na naglalakad palayo. He has changed. Nang nanghiram ako ng thelmos galing nurse station at bumalik sa kwarto, naabutan ko ang isang lalaking nakablack suit at nakasilip mula sa maliit na salamin sa pinto. He has a well built body. Iyong pangangatawan na alaga sa gym at may ipagyayabang. Kilala ko ang katawan na iyon. I will never forget how sexy his hair was. Ang kulay ng kanyang buhok, ang likod niya. Lumukob ang kasiyahan sa akin. Halos sumabog ang dibdib ko sa bilis ng t***k nito. Iyong pambihirang t***k na matagal kong hindi naramdaman sa loob ng anim na taon.