Chapter 37 “ANG KULIT nyo kasi e, sabi ng 'wag mangielam!” Bulyaw pa niya. Kagat ko ang labi ko dahil sa hapding naramdaman ko. Agad bumakat ang sense na inihampas niya. Nakita niya iyon pero tila walang pakielam. “Pasensya na..” Sabi ko.Inirapan niya pa akong muli. Tiniis ko ang sakit at pumihit na palabas ng kusina. Nakatingin ako sa braso kong may paso. Hindi ko akalaing mapagbubuhatan n'ya ako. Nasagad ko ba ang pasensya niya at napalo niya ko? Was she aware na mainit iyong pinanghampas niya? O sadyang mabigat lang ang kamay niya. Either one. Sagot ng utak ko. “What happened?” Kakalabas ko pa lang ng kusina nang marinig ko ang isang baritonong boses. “R-Reynald..” Nagulat ako sa kanya. Pero ang mata niya ay nakatutok sa braso kong may paso. Dali ko itong itinago at binaba ang bras